^

Probinsiya

HPG na napatay sa engkuwentro, inilibing na

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines — Inilibing na kahapon ang napatay na miyembro ng Cavite Highway Patrol Group sa naganap na engkuwentro noong Nobyembre 6 na ikinasawi rin ng suspek na nagpakilalang miyembro ng Philippine Navy.

Bumuhos ang pakikidalamhati ng mga kasamahan sa trabaho, kaibigan at kakilala para sa pamilyang naiwan ni Police Chief Master­ Sgt. Julius Arcalas, na inihatid na sa kanyang huling hantungan sa Eternity Memorial Park sa Bacoor City sa Cavite.

Naiwan ni Arcalas ang limang anak na nagkaka edad lamang ng 14, 11, 9, 5 at 2-anyos sa asawang si Celerina Arcalas.

Sa pag-alala ng kanyang ama kay Julius sa simbahan, inilahad nito kung paanong nagpaalam ang anak na kukuha ng kursong criminology na ikinagulat umano niya dahil likas umanong mahiyain ito at tahimik pero pinili nilang mag-asawa na suportahan ang anak sa kagustuhang maging alagad ng batas.

Ginawaran si Arcalas ng Medalya ng Kadakilaan ng pamunuan ng HPG sa pagbubuwis ng buhay habang pinapatupad ang batas.

Bukod dito, sinabi rin ni HPG Director Brig. Gen. Alexander Tagum na hindi mawawalang saysay ang kamatayan ni Arcalas dahil ito ang naging daan upang mas suportahan pa sila ng gobyerno sa pagpapatupad ng batas sa pamama­gitan­ ng pagbibigay ng ka­rag­da­gang assault rifle, armored vest at body came­ras.

vuukle comment

NAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with