^

Probinsiya

4 ambulansya binigay ng PCSO sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
4 ambulansya binigay ng PCSO sa Bulacan
Kabilang sa mga nakatanggap ang lungsod ng Malolos, mga bayan ng Bulakan at Norzagaray at Bulacan State University o BulSU.
STAr/File

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Apat na bagong ambulansya ang ipinagkaloob ng Philippine Charity­ Sweepstakes Office o PCSO sa Bulacan.

Kabilang sa mga nakatanggap ang lungsod ng Malolos, mga bayan ng Bulakan at Norzagaray at Bulacan State University o BulSU.

Ayon kay PCSO Bulacan Branch Manager Cynthia Amelia Regudo, nagkakaloob sila ng ambu­lansiya kada limang taon basta’t magsusumite lamang ang isang pamahalaang lokal o alinmang iba pang institusyon ng pamahalaan na nangangailangan­ nito. Ito ay isang Japanese brand na van na naka-modified o ipinasadya upang maging isang ambulansya. Mas malaki ang loob, maaliwalas at may built-in na stretcher na folding.

Unang nakatanggap ang BulSU ng ambulansya na idinestino sa klinika ng pamantasan sa main campus nito sa Malolos, na sinundan  ng pamahalaang bayan ng Bulakan na gagamitin para sa mabilis na pagdadala ng mga pasyente sa Gregorio­ Del Pilar District Hospital at Bulacan Medical Center.

Sa Malolos, nakatanggap din sila ng ambu­lansya mula sa PCSO na gagamitin sa agarang serbisyong medikal ng may 250-libong populasyon nito habang kakapadala lang din ang isa pang ambulansya sa bulubunduking bayan ng Norzagaray.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with