^

Probinsiya

Cagayan Governor Mamba pinaaaresto ng korte

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

Sa ‘cyber libel’ na isinampa ni Enrile

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Naglabas na ng warrant of arrest ang korte laban kay Cagayan Governor­ Manuel Mamba kaugnay sa isinampang kasong cyber libel ni dating Senador Juan Ponce Enrile makaraan siyang akusahan na “killer at corrupt”.

Ang warrant of arrest ay ipinalabas ni Makati City Regional Trial Court Presiding Judge Bartolome Soriano nitong Oktubre 23 matapos makitaan ng “probable cause” sa mga umano’y maanghang na binitawang salita ni Mamba at information officer­ nito sa kanilang programa sa radyo sa Cagayan noong nakaraang Hunyo 5 na nag-aakusa kay Enrile bilang “mamamatay-tao” at “kurakot”.

Sa kabila nito, matapos matunugan ang pag­labas ng arrest warrant, agad namang sumuko si Mamba nang boluntaryong lumutang sa Tuguegarao City Regional Trial Court. Kasama niyang nag­lagak ng tig-P48,000 na piyansa ang kanyang Public Information Officer na si Rogie Sending na kinasuhan din ni Enrile ng cyber libel noong Hulyo.

Ibinasura naman ng korte ang habla sa ikatlong­ akusado na si Maricris Montilla, manager ng dzGR dahil “block time” o bayad na oras umanong naisahimpapawid ang “tirada” ng dalawang mag-amo.

“Lugi ako kung si (Rogie) Sending lang ang makukulong,” pabiro pang sinabi ni Mamba sa kan­­yang programa kahapon. Aniya isang “Badge of Honor” ang masampahan ng kaso dahil sa pagsi­siwalat ng katotohanan. Sinegundahan naman ito ni Sending na nagsabing walang mangyayari sa Cagayan kung wala silang dalawa ng gobernador na nagbubulgar ng nangyayaring katiwalian.

Matatandaan na nagalit si Enrile sa aniya’y patuloy na pag-alipusta sa kanya ni Mamba kahit wala na siya sa poder hanggang sa puntong ipinabakbak pa ng gobernador ang estatwa ng dating senador sa harap ng Kapitolyo dahil hindi umano mapalagay ang gobernador kapag nakikita niya ito sa tuwing pumapasok sa trabaho.

vuukle comment

CYBER LIBEL

GOVERNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with