^

Probinsiya

73 dating rebeldeng NPA tumanggap ng P1.4 milyong ayuda

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Tumanggap ng tulong pinansyal ang 73 na dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na unang nagbalik-loob sa pamahalaan para harapin ang kanilang bagong buhay.

Sa ulat ng Department of Social Wel­fare­ and Development (DS­WD)-Cagayan Valley­ (Re­gion-02), ang mga dating rebelde na tu­manggap ng tulong mula sa gobyerno ay kinabibilangan ng 39 mula sa Isabela at 34 mula sa Cagayan.

Ayon kay Assistant Regional Director Lucia Allan ng DSWD-Region 02, ang pinansyal na tulong ng gobyerno ay mula sa “sustainable livelihood program” ng DSWD bilang bahagi ng pagpapatupad sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC).

Bukod sa P20,000 na naipagkaloob sa ba­wat benepisyaryo ay tu­manggap din ng karagdagang halaga ang mga dating rebelde na nagsuko ng mga armas.

Ayon sa pamunuan ng 5th Infantry Division­ ng Philippine Army na nakabase sa Gamu, Isa­bela, bukod sa mga tulong pinansyal ay nag­tatag na rin ng ko­mu­nidad ang kasun­daluhan para roon ma­­nirahan ang mga nagbalik loob na NPA rebels­ habang karamihan sa kanila ay nagbalik sa eskwelahan para magkaroon ng mas magandang ki­nabukasan.

vuukle comment

AYUDA

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with