^

Probinsiya

3 patay sa road accident

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Tatlo katao kabilang ang dalawang babae ang nasawi habang isa ang malubhang nasugatan sa magkakahiwalay na road accident sa lalawigang ito kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Ma.Virginia Juchelle Cañal, 34; Carmelita Zabala, 54; at Edcel B.Velencia, nasa hustong gulang,habang kritikal si Ma.Chenie Magatsina, 22.

Sa unang insidente, alas-2:45 ng madaling araw ay minamaneho ni Cañal ang kanyang motor angkas si Magatsina at binabagtas ang kahabaan ng Aguinaldo Highway,Brgy. Biga 1, bayan ng Silang nang ito ay mawalan ng control at sumalpok sa kongkretong poste na sa gilid ng kalsada na ikinasawi agad ng una.

Dakong alas-5:15 naman ng hapon ay papatawid  sa Aguinaldo Highway,Brgy. Anabu 1,Imus City ang biktimang si Zabala,factory nang masalpok ng motorsiklo na minamaneho ni Gilbert Jill Ancheta Jr. , 21 na kung saan ay nasawi ito sa ospital.

Ang ikatlong insidente ay naganap, alas-4:00 ng madaling araw nang tumama ang ulo ni Velencia sa kalye nang sumemplang sa minamanehong motorsiklo habang bumabagtas sa Tanza-Trece road,Brgy. Punta 1 Tanza na agad nitong ikinasawi.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with