^

Probinsiya

Factory ng alcohol naabo sa sunog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Factory ng alcohol naabo sa sunog
Sa nakalap na ulat mula kay P/Master Sgt. Elmo Caboboy, alas-2:30 ng hapon nang makatanggap sila ng tawag sa ilang concerned citizen na may nagaganap na sunog sa Barangay Victoria Reyes, Dasmariñas City, Cavite.
Edd Gumban, file

CAVITE, Philippines — Aabot sa mahigit P2 milyong ha­laga ng mga sangkap, materyales at alcohol ang naabo matapos sumiklab ang malaking sunog sa isang factory o pagawaan ng alcohol sa lungsod ng Dasmariñas kamakalawa ng hapon.

Sa nakalap na ulat mula kay P/Master Sgt. Elmo Caboboy, alas-2:30 ng hapon nang makatanggap sila ng tawag sa ilang concerned citizen na may nagaganap na sunog sa Barangay Victoria Reyes, Dasmariñas City, Cavite.

Nabatid na tumagal ng mahigit sa anim na oras ang sunog sa factory bago tuluyang na­­a­pula ang apoy. Nagkaroon umano ng electric spark sa loob ng pabrika na siyang pinagmulan umano ng sunog. Dahil na rin sa panay likido at sangkap sa paggawa ng alcohol ang nasa loob ay mabilis itong kumalat hanggang sa tuluyang lamunin ng apoy ang buong pabrika. Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa insidente.

vuukle comment

ALCOHOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with