^

Probinsiya

7 pulis-HPG nalason sa isda

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines —  Pitong miyembro ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na nakatalaga sa loob ng Camp Gen. Simeon Ola ang isinugod sa medical dispensary unit matapos na malason ng isda na kanilang binili, niluto at kinain kamakalawa ng tanghali, dito sa lungsod.

Kinumpirma mismo ng medical dispensary doctor na si Major Vangie Villamor na food poisoning ang nangyari sa pitong pulis na hindi na binanggit ang mga pangalan. Nasa stable na umanong kalagayan ang mga biktima.

Sa ulat, kasama ang helper na si Sonny Mallanta ay magreport sa Daraga Police si Master Sgt.Nerissa Feliciano makaraang malason ng kinaing tulingan ang kanyang pitong kasamahan.Bumili umano ng isdang tulingan na pinaniniwalaang sira na agad nitong iniluto at inihain para sa panangha­lian.Gayunman,ilang sandali makaraang kumain ay sumakit ang ulo,tiyan at nagsuka ang mga biktima kung saan ang iba ay nahimatay pa dahil sa hilo kaya mabilis silang isinugod sa medical dispensary.

Sa imbestigasyon, nakilala ang tindera ng sirang isda na si Emma Neo,residente ng Brgy.Bagumbayan,Daraga na nangako namang sasagutin ang gastusin sa pagpapagamot ng mga pulis.

vuukle comment

HPG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with