^

Probinsiya

Barilan ng HPG at ‘Navy’ sa Cavite: 2 utas, 3 sugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Barilan ng HPG at �Navy� sa Cavite: 2 utas, 3 sugatan
Bumulagta sa daan ang isa sa nagpakilalang miyembro ng Philippine Navy matapos na makaengkuwentro ang mga operatiba ng Highway Patrol Group dahil sa sinitang sasakyan na walang plaka na ikinasawi rin ng isang pulis at tatlo pa ang sugatan kahapon sa Cavite City.
Cristina Timbang

MANILA, Philippines — Patay ang isang mi­yembro ng Cavite Highway Patrol Group (HPG) at isang nagpakilalang sundalo ng Philippine Navy habang tatlong iba pa ang sugatan matapos ang kanilang engkuwentro dahil sa sinitang sasakyan na walang plaka kahapon sa Cavite City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong ala-1:00 ng hapon habang nagsasagawa ng anti-carnapping operation ang grupo ng HPG sa pamumuno ni Police Capt. Eduardo Guadamor kasama sina P/CMS Julius Arcalas at P/Staff Sgt. Emerson Domingo sa Manila-Cavite Road, Brgy 8, Pulo 3, ng nasabing lungsod nang maispatan nila ang isang silver gray Nissan Terra na walang plaka kaya agad itong pinara at sinita.

Tumigil naman uma­no ang sasakyan at nang hingan ng mga dokumento ng sasakyan ang dalawang sakay ay nagpakilala silang mga Navy.

Ayon pa kay Domingo, may nakita pa siyang uniform ng Navy na naka-hanger sa likod ng nasabing sasakyan.

Dito na umano big­lang itinaas pasara ang bintana ng sasakyan ng mga suspek at sa puntong ito, bumaba ang isa sa kanila at saka pinaulanan ng bala gamit ang cal 5.56 bushmaster ang mga HPG operatives.

Dahil dito, napilitan umanong gumanti ng putok ang tropa ng HPG kaya napatay ang isa sa suspek pero mabilis­ na nakaharurot ang ka­sama nito palabas ng bayan ng Noveleta.

Bukod sa mga pulis, tinamaan din ng ligaw na bala si Eduardo Magbana pero si Arcalas ang napuruhan sa ulo kaya’t dead-on-arrival sa Cavite Medical Center.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad at inalarma na rin ang lahat ng bayang puwedeng daanan ng suspek. Bineberipika na rin ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek.

vuukle comment

HPG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with