^

Probinsiya

Kelot na nakaligtas sa pamamaril inutas sa ospital

Pilipino Star Ngayon
Kelot na nakaligtas sa pamamaril inutas sa ospital
Kinilala ang biktima na si Vincent Adia,nasa hustong gulang habang ang suspek na nakatakas ay inilarawan ng mga saksi na katamtaman ang laki ng pangangatawan, nakasuot ng shorts, itim na t-shirt at may dalang back pack.
STAR/ File

ANGONO, Rizal, Philippines — Hindi naligtasan ng isang lalaki ang kamatayan matapos na siya ay puntahan sa ospital ng suspek at muling pagbabarilin habang nagpapagamot sa tama ng bala naganap kamakalawa ng umaga sa nasabing bayan.

Kinilala ang biktima na si Vincent Adia,nasa hustong gulang habang ang suspek na nakatakas ay inilarawan ng mga saksi na katamtaman ang laki ng pangangatawan, nakasuot ng shorts, itim na t-shirt at may dalang back pack.

Bago naganap ang krimen sa loob ng Rizal Provincial Hospital System Angono, Annex, San Isidro, alas-11:40 ay nakatanggap ng report ang pulisya na isang lalaki ang ginagamot doon matapos na mabaril alas-3:30 ng madaling araw sa Brgy. San Isidro, Angono.

Rumesponde ang mga otoridad at isinugod ang biktima sa naturang pagamutan upang malapatan ng lunas.

Gayunman, habang ginagamot ay biglang duma­ting ang ’di kilalang salarin at muling pinagbabaril ang biktima na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Nang matiyak na napuruhan na ang target ay mabilis nang tumakas ang suspek, lulan ng isang ’di naplakahang motorsiklo.

vuukle comment

OSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with