^

Probinsiya

Bomber ng Dawlah Islamiyah patay sa operation

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Bomber ng Dawlah Islamiyah patay sa operation
Kinilala ang napatay na suspek na si Jazzer Nilong alias Khalid makaraang manlaban sa tropa ng pamahalaan.
STAR/ File

ESPERANZA, Sultan Kudarat, Philippines — Napatay ang pinaniniwalaang bomber na sub-lider ng Dawlah Islamiyah sa inilatag na law enforcement operation ng pinagsanib na puwersa ng iba’t ibang mga units ng pulisya at militar sa Barangay Saliao sa nasabing bayan,kamakalawa.

Kinilala ang napatay na suspek na si Jazzer Nilong alias Khalid makaraang manlaban sa tropa ng pamahalaan.

Sa ulat, alas-12:35 ng madaling araw nang matunugan ng suspek  na tinitiktikan siya ng mga otoridad sa kanyang tinutuluyang motel kaya’t pinutukan niya ang mga ito.

Umabot ng dalawang minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng suspek.

Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang kalibre .45 na baril at isang magazine na loaded ng apat na rounds na mga bala; ilang mga sangkap ng pampasabog kagaya ng 60mm na bala ng mortar, rifle grenade, electric blasting cap, battery size D, dalawang improvised non-electric blasting cap, apat na fired cartridge case ng kalibre 9mm at dalawang heat-sealed sachet na naglalaman ng shabu.

Ang suspek ay may warrant of arrest at nahaharap sa kasong frustrated murder, idinadawit din sa pagpatay kay P/Cpt. Herman Gabat at suspek sa pambobomba sa General Santos City.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with