^

Probinsiya

72-anyos na tumatawid sa highway, pisak sa bus

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

KABASALAN, Zamboanga Sibugay, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 72-anyos na lalaki nang ito ay masalpok at mapisak ng bus habang tumatawid sa national highway sa Purok 3, Brgy. Buayan, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakila­lang si Angeles Antiquina.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9,alas-7:20 ng gabi ay tumatawid ang biktima sa kahabaan ng national highway nang aksidente itong masaga­saan ng Rural Transit Bus (JVH  362) na minamaneho ni Teresito Salve Forsuelo Jr., 47.

Hindi umano napansin ng driver ang pagtawid ng matanda dahilan madilim sa bahagi ng nasabing lugar kung saan tulu­y-tuloy nitong nasagasaan ang biktima.

Agad namang sumaklolo ang rescue team at isinugod sa pagamutan ang matanda pero nabigo ng maisalba ang buhay nito.

Nasakote naman ng mga nagrespondeng ope­ratiba ng Kabasalan Municipal Police Station (MPS) ang driver ng bus na ngayo’y nakakalaboso na sa detention cell ng nasabing himpilan kaugnay ng kasong kriminal na kinakaharap nito.

vuukle comment

PRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with