^

Probinsiya

Wanted sa gunban pumalag sa aresto, dedo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang wanted sa Comelec gun ban makaraang makipagbarilan sa mga otoridad na aaresto sa kanya kamakalawa ng hapon sa Sitio Labak, Brgy. Mayabobo,Candelaria ng lalawigan.

Sa ulat na nakarating kay Quezon PNP Director PCol. Audie Madrideo, nakilala ang napatay na si Mario Umali y Manalo, 56, may-asawa at residente sa nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon, alas-3:55 ng hapon ay tinu­ngo ng grupo ni PLt. Lloyd Maralit sa ilalim ng pamamahala ni PLt. Col. Arnulfo Selencio ang bahay ni  Umali upang isilbi dito ang warrant of arrest na inisyu ni RTC Branch 55 Hon. Judge Agripino Bravo kaugnay sa kasong paglabag sa Comelec Resolution 10015 o gun ban.

Sa halip na sumuko ay bumunot umano ng baril si Umali at pinaputukan ang mga arresting officers na sa kabutihang palad ay walang tinamaan.

Nang gantihan ng mga otoridad ay doon na  bumulagta ang suspek dahil sa mga tama sa ulo at katawan na mabilis namang isinugod sa Candelaria District Hospital,subalit nasawi rin.

Isang kalibre 45 ang nakuha ng mga awtoridad buhat sa suspek at ilang basyo ng bala ng naulit na baril.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with