^

Probinsiya

Nurse na naka-quarantine timbog sa shabu

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Sa kabila na mara­ming medical frontliners ang abala sa pagtulong sa mga may sakit ng COVID-19, isa namang nurse sa bayan ng Midsayap, dito ang lumihis ng landas matapos sabayan ang kanyang trabaho ng hinihinalang pagtutulak o paggamit ng ipinagbabawal na droga kamakalawa.

Ayon sa pulisya, na­aresto sa isang drug operation sa Twin Cubs Haven Inn na ginawang quarantine area pasado alas-2 ng hapon nitong Martes ang nurse na kinilalang si Julius Ceasar Duque, residente ng Pob­lacion 4, Midsayap.

Nabatid na naka-iso­late ang suspek sa na­sabing inn at naka­takda na sana niyang lumabas kahapon ngu­nit dahil sa kahina-hina­lang galaw nito sa tuwing may naghahatid sa kanya ng pagkain ay agad na isi­nuplong sa mga otoridad.

Nakumpiskahan ng mga pulis ang suspek ng nasa P500 halaga ng shabu.

Malaki ang posibi­lidad na maaaring guma­gamit ng droga ang suspek habang naka-quarantine, ayon pa sa otoridad.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na naaresto ang suspek dahil sa pag-iingat ng shabu. 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with