9 kawani ng BIR may COVID-19
COTABATO CITY, Philippines — Siyam na kawani ng Bureau of Internal Revenue-District Office 107 sa Cotabato City ang nagpositibo sa COVID-19, ayon sa ulat ng awtoridad kahapon.
Ayon kay Revenue District Officer Nora Macarambon, naka-isolate na ang mga nagpositibo sa virus at isinailalim naman sa mandatory swabbing ang 45 na iba pang kawani ng tanggapan sa pakikipagtulungan ng Cotabato City Health Office.
Dahil dito, pansamantalang isinara ang nasabing tanggapan na matatagpuan sa SK Pendatun Avenue hanggang sa Biyernes, Nobyembre 7, matapos na magpositibo sa COVID ang 9 na kawani.
Babalik ang operasyon ng naturang opisina ng BIR sa Lunes.
- Latest