^

Probinsiya

4 terorista todas sa engkuwentro

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
4 terorista todas sa engkuwentro
Ang bangkay ng apat na NPA na wala pang pagkakakilanlan ay na­rekober ng mga sundalo matapos na umatras ang mga kasamahan nila sa 40 minutong bakbakan sa lugar.
STAR/File

NORTH COTABATO, Philippines — Bumulagta ang apat na pinaniniwalaang teroristang New People’s Army (NPA) matapos sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng nasabing grupo at tropa ng pamahalaan sa Barangay Pangi, Tandag City, Surigao del Sur, iniulat kahapon.

Ang bangkay ng apat na NPA na wala pang pagkakakilanlan ay na­rekober ng mga sundalo matapos na umatras ang mga kasamahan nila sa 40 minutong bakbakan sa lugar.

Ayon kay Lt. Col. Jezreel Diagmel, commander ng 36th Infantry Battalion, nasa 40 na armadong kalalakihan ang nakaengkuwentro ng mga tauhan nito.

Malaki ang paniwala ng opisyal na marami pa ang mga nalagas sa pangkat ng mga tero­rista dahil sa maraming mga bakas ng dugo ang nakita sa lugar kung saan dumaan sa pagtakas ang mga kalaban.

Posible rin na ang nasabing mga NPA ang suspek sa pag-harass sa isang quarantine checkpoint sa lugar, bago nangyari ang bakbakan.

Nagsagawa  ng clea­ring operations sa encounter site ang militar at narekober ang ilang armas ng komunistang grupo gaya ng M-16 rifle, dalawang M-16 rifles na may kasamang grenade launchers, isang AK-47 rifle, dalawang converted .22-caliber rifles, tatlong mobile phones, dalawang universal serial bus (USBs), anim na piraso ng subscriber identity module cards, apat na me­mory cards, 20 na jungle hammocks, 10 improvised beddings, 21 na personal na kagamitan at mga dokumento.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with