^

Probinsiya

Guro itinumba sa barberya sa Undas

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay agad ang isang 41-anyos na guro ng pampublikong paaralan matapos puruhan ng bala sa ulo ng hindi pa natukoy na berdugo habang nagpapagupit sa barberya sa Bangued, Abra noong Undas. 

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Rodelio Claor ng Marc Israel Bernos Memorial National High School sa bayan ng La Paz.

Ayon sa report, pinasok ng killer ang barberya at pinuntirya agad na paputukan ang ulo ng guro na kasalukuyang ginugupitan ng barbero dakong alas-10:30 ng umaga.

Nabatid na nagsisigawan at nagtakbuhan ang mga tao sa pagilid kasunod ng pamamaril na sinamantala ng suspek upang makatakbong palayo.

Isinugod ng mga sumaklolo si Claor sa Abra Provincial Hospital su­balit idineklara na itong patay ng mga doktor.

vuukle comment

KRIMEN

UNDAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with