^

Probinsiya

Parak na pumatay ng kapitbahay, tugis

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsasagawa ngayon ng manhunt operation ang pulisya laban sa isang kabaro na nakabaril at nakapatay ng kanyang kapitbahay matapos ang kanilang pagtatalo sa isyu ng lupa sa Capiz.

Nakilala ang suspek na si Patrolman Mamerto Arellano, 34, miyembro ng Negros Provincial Mobile Force Company sa Negros Occidental habang ang biktima ay kinilalang si Renato Pampag, 43, kapwa residente ng Barangay Sagrada, Famillia, Dumarao Capiz.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng Dumarao Municipal Police na naganap ang krimen noong Oktubre 31, 2020, nang magkasalubong at magkainitan ang biktima at suspek sa daan dahil sa awayan sa lupa.

Bigla na lamang umanong tinaga ng biktima ang pulis na mabilis na nakailag kaya bumunot naman ng kanyang cal. 9mm pistol ang huli at pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan si Pampag na namatay sa ospital.

Matapos ang krimen, tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.  

vuukle comment

CAPIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with