^

Probinsiya

Pamilya ng kawani ng DepEd at DAR, nahawaan ng virus

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Anim na miyembro ng pamilya ng mag-asawang kawani ng Department of Education (DepEd) at Department of Agrarian Reform (DAR) ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod na ito kamakalawa.

Tinukoy ng awtoridad na sanhi ng “workplace trans­mission” ang pangyayari.

Sa report ng Cagayan Provincial Health Office (PHO), nagkaroon ng exposure ang mag-amang ka­wani ng DAR sa kanilang mga kliyente at naipasa ang virus sa kanilang pamilya kabilang ang ina na na­mamasukan bilang administrative assistant sa DepEd.

Sa report ng PHO, nawalan ng panlasa, pang amoy, panlalabo ng paningin ang mga nagpositibong miyembro ng pamilya kasabay ng pagkakaroon ng lagnat at ubo.

Ang buong pamilya ay naka-home quarantine na, ayon sa PHO.

Dahil dito, hinikayat ni Cagayan Gov. Manuel Mamba ang mga kapwa public officers na iwasan muna ang nakasanayang pag-papakape sa mga du­madalaw na bisita upang maibsan ang pagkalat ng COVID-19. Aniya, peligroso ang sitwasyon dahil kinakailangang magtanggal ng face mask ang nagkakape upang humigop habang nakikipagtalaktakan.

Ayon sa gobernador, makabubuti ring iwasan ng mga opisina ang gumamit ng aircon sapagkat malaki ang posibilidad na lumutang lamang ang virus sa loob ng kulong na espasyo.

vuukle comment

DAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with