^

Probinsiya

Bangkay ng transgender itinapon malapit sa ancestral house ng mayor

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nag-iwan ng misteryo ang pagtapon ng isang bangkay ng umano’y transgender malapit sa ancestral house ni Mayor Jefferson Soriano Soriano sa lungsod na ito kahapon na may mga saksak sa katawan.

Ayon sa report, matigas na ang bangkay at nakatakip pa ng sako nang madiskubre ni Roger Attaban, isang kawani ng city hall sa gilid ng Pattaui StreetBarangay Ugac Norte, alas-6:00 ng umaga kung saan ay may 40 metro ang layo mula sa ancestral house ng alkalde.

Ayon sa mga imbestigador wala namang koneksiyon sa opisyal ang krimen na itinapon sa lugar upang iligaw ang mga otoridad.

Sinabi naman ni Mayor Soriano na sinusuri ng otoridad ang mga CCTV sa lugar upang matukoy ang mga salarin ng transgender.

Unang inakala ng mga nagrespondeng pulis na bangkay ng bakla ang natagpuan ni Attaban dahil mayroon itong Adam’s apple bagama’t nakasuot ng pambabae.

Subalit sinabi ni Police Staff Sergeant JJ Dela Cruz na ari ng babae ang taglay ng bangkay matapos niyang ipasilip sa punerarya.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with