^

Probinsiya

SK tserman dedo sa road crash

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  — Nasawi ang isang tserman ng Sangguniang Kabataan matapos na mabasag ang kanyang ulo makaraang sumemplang ang minamanehong motorsiklo dahil sa malakas na ulan sa Brgy. Bolos, Irosin, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Patay agad dahil sa inabot na matin­ding pinsala sa ulo ang biktimang si Marvin Mimay Barredo, binata at residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi mula sa bayan ay lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima at binabagtas ang kahabaan ng kalsada patungo sa kanilang barangay nang gumewang ito at sumemplang sa sidewalk dahil sa madulas na daan bunsod ng malalakas na pagbuhos ng ulan. Tuluy-tuloy na nahulog ang biktima sa walang takip na gutter ng kalsada at bumagok ang ulo nito sa semento sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

vuukle comment

NASAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with