^

Probinsiya

Magalong aminadong ‘high risk’ sa COVID-19 ang Baguio City

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

Pero kontrolado ang sitwasyon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Bagama’t aminadong mataas ang kaso ng COVID-19 sa kanyang teritoryo matapos bansagan ng UP Octa Research bilang isa sa mga “high risk” areas sa bansa, idiniin ni Baguio City Mayor Benjamin Maga­long na kontrolado ng kanyang pamunuan ang sitwasyon.

Sa kanyang pulong balitaan kamakalawa, sinabi ng alkalde na ang Baguio City ay may mataas na testing capacity sa pagtukoy ng mga nagpositibo ng virus. Aniya, mayroon silang kabuuang 59,392 RT-PCR at 6,000 antigen tests na naisagawa at patuloy na susuriin ang kabuuang 370,000 populasyon ng lungsod. 

Inamin ni Magalong na sinalanta ang Baguio ng mga kaso ng hawaan nitong mga nagdaang linggo. Partikular na tinukoy nito ang insidente ng laklakan sa bahagi ng slaughterhouse area subalit naagapan ang pagkalat nito dahil sa masusing contact tracing. 

Sinabi ni Magalong na mataas ang kanilang contact tracing efficiency ratio at sagana ang lungsod sa mga gamit sa pagsasagawa ng pagsusuri.

Nitong linggo lamang, tinukoy ng nasabing research body ang Baguio City na pumapangalawa sa Makati City na pinaka-high risk area sa COVID-19; pa­ngatlo ang Mandalu­yong City na sinundan ng Lucena City at Pasig City bilang pang-apat. Sumunod pa sa listahan ang Iloilo City, Pasay City, Marikina City, Ilagan City sa Isabela at Ba­tangas City.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with