^

Probinsiya

Binata inutas sa harap ng bahay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Bulagta ang isang 30-anyos na binata matapos na pagba­ba­rilin sa harap mismo ng kanilang bahay ng ‘di kilalang dalawang suspek sa Brgy. Tinago sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa ng umaga.

Napuruhan ng punglo ­sa ulo at agad nasawi ang biktimang si Ryan Magdaraog Lustistica, residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng umaga habang nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang bahay nang biglang sumulpot mula sa kanyang likuran ang gunman habang ang isa nitong kasama ay nagsilbing lookout.

Bago pa nakakilos ang biktima ay mabilis na siyang binaril sa ulo ng gunman at nang bumulagta ay ilang beses pang pinaputukan.

Nang matiyak na na­puruhan ang biktima, ma­bilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi malamang direksyon.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay habang nakuha sa crime scene ang limang basyo ng bala ng kalibre 45 na baril.

vuukle comment

NASAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with