^

Probinsiya

22 bahay nilamon ng buhawi

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawampu’t dalawang kabahayan ang sinira ng buhawi matapos manalasa kamakalawa ng hapon sa Calatrava, Negros Occidental

Ayon kay Calatrava Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Head Ray Sumi­nguit, limang bahay ang nawasak at hindi bababa sa 17 ang partially damaged sa Sitio Passing Truck, Barangay Minapasuk.

Batay sa datos, nasa P200,000 ang halaga ng pinsala na iniwan ng buhawi na dumaan sa nasabing lugar at tumagal ng 10 hanggang 15 minuto. Natanggal din ang bubong at mga bintana ng Passing Truck Day Care Center.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatang residente sa pananalasa ng buhawi.

Magbibigyan naman ang lokal na pamahalaan ng Calatrava ng food packs sa mga residenteng naapektuhan ng buhawi.

vuukle comment

RAY SUMI­NGUIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with