^

Probinsiya

Ilagan City idineklara na ‘critical zone’

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dahil sa walang puknat na community transmission ng CO­VID-19 sa mga barangay sa Ilagan City, idineklara na ni Isabela Governor Rodolfo Albano III ang lungsod bilang “critical zone”.

Kasabay nito, inatasan ni Gov. Albano si Dr. Manuel Mamba ng karatig lalawigan ng Cagayan na higpitan pa ang border control sa mga tumatawid patungo sa kanyang teritoryo mula sa Isabela.

Sa tala, umabot na sa 74 bagong kaso ng COVID-19 sa Ilagan City, Isabela tatlong araw mula nang ideklara ito sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) noong Biyernes na tatagal hanggang Oktubre 30.

Ayon sa Provincial Inter-Agency Task Force (PIATF) on the Management of Emerging Infectious Disease, 19 bagong kaso ang naitala kahapon, 47 noong Linggo at walo noong Sabado.

Sinabi naman ni City Mayor Jose Marie Diaz na umabot na sa nakakaalarmang 335 ang kaso ng COVID-19 doon at 204 ang aktibo noong Oktubre 15.

Sa huling tala, ang Isabela ay may 446 na aktibong kaso ng COVID-19.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with