^

Probinsiya

Karpintero pinabulagta sa laklakan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta ang isang 42-anyos na karpintero matapos na pagbabarilin ng kanyang kainumang magsasaka nang magtalo sa gitna ng kanilang inuman sa Sitio Madanlog, Brgy. Canomay sa bayan ng Claveria, Masbate kamakalawa ng madaling araw.

Hindi na nagawa pang isugod sa pagamutan makaraang agad mamatay dahil sa tama ng mga punglo sa katawan ang biktimang si Isagani Rodrigo Alvarado, residente ng nasabing barangay.Tinutugis na ang tumakas na suspek na si Isidro “Idiot” Ombao, nasa hustong gulang,magsasaka,residente ng Poblacion District 1.

Sa ulat, dakong ala-1 ng madaling araw ay nag-iinuman ang dalawa sa bahay ng nagngangalang joseph Llabore.Gayunman, sa hindi malamang dahilan ay biglang nagtalo ang dalawa dahilan para bumunot ng hindi pa malamang kalibre ng baril ang suspek at pinagbabaril sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad nitong ikinasawi.Makaraang mapaslang ang kainuman ay mabilis na tumakas ang suspek patungo sa hindi malamang direksyon.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with