^

Probinsiya

Tropa ng sundalo inambus: 1 patay, 6 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Habang nasa misyon sa ‘Serbisyo Caravan’

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  — Bulagta ang isang sundalo habang anim pang kasamahan ang sugatan matapos silang tambangan at pagbabarilin ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) habang nagsasagawa ng “Serbisyo Caravan” sa mga mahihirap na residente sa Sitio Quiapo, Brgy. Tobgon sa bayan ng Oas ng lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Agad nasawi ang biktimang si Sgt. Ignacio Refuerzo matapos mapuruhan ng bala sa katawan habang sugatang isinugod sa iba’t ibang hospital ang iba pang sundalo na sina Sgt. Alvin Esteria, Sgt.Edgar Sarahan, Pfc. Alsaddam Abdulahid, Private Teodoro Cardano, Private John Mark Verdiflor at Private Mae Nares; pawang miyembro ng 49th Infantry Batallion ng Philippine Army.

Sa ulat, dakong alas-3:45 ng hapon, sakay ng KM450 cargo vehicle ng Philippine Army ang mga nabanggit na sundalo at binabagtas ang barangay road patungo sa Brgy. Del Rosario upang magsagawa ng programang “Serbisyo Caravan” para sa mga naghihirap na residente sa mga barangay ng bayan ng Oas nang tambangan sila ng tinatayang 15 na bandidong NPA.

Walang humpay silang pinagbabaril at nagpasabog pa ng bomba ang mga rebelde dahilan para masugatan ang mga sundalo na agad ikinamatay ni Refuerzo.

Sa kabila na sila ay naunahan,  hindi nagpasindak ang mga sundalo na agad nakipagbarilan na umabot pa sa 30 minutong palitan ng putok hanggang umatras ang mga rebelde.

Mahigpit namang kinondena ng liderato ng Philippine Army sa Bicol ang patraydor na pananambang ng mga rebelde sa mga sundalong naghahatid lamang ng serbisyo sa mga mamamayan.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with