^

Probinsiya

P9 milyong napinsala ng bagyo sa Kabikulan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
P9 milyong  napinsala ng bagyo sa Kabikulan
Sa ulat na natanggap ng Office of Civil Defense (OCD 5) sa pangunguna ni Claudio Yucot mula sa mga lalawigan ng Masbate at Sorsogon, umabot na sa higit P9-milyon ang halaga ng mga napinsalang pananim habang wala pang report mula sa iba pang lalawigan ng Bicol.
STAR/ File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  — Umabot na sa inisyal na P9,120,315 ang naitalang danyos sa agrikultura sa Kabikulan matapos bayuhin ng bagyong Ofel.

Sa ulat na natanggap ng Office of Civil Defense (OCD 5) sa pangunguna ni Claudio Yucot mula sa mga lalawigan ng Masbate at Sorsogon, umabot na sa higit P9-milyon ang halaga ng mga napinsalang pananim habang wala pang report mula sa iba pang lalawigan ng Bicol.

Sa Masbate, pinaka-naapektuhan ng malakas na bagsak ng ulan at ha­ngin ay ang palayan kung saan nasa 188 ektarya ang nasira na tinatayang P3,192,330 ang halaga.

Umabot naman sa 112,472 piso ang halaga ng nasirang mais at P622,991 ang hindi na pakikinabangang high value crop.

Sa Sorsogon, tanging ang danyos pa lamang ng palay ang naiulat na umabot sa halagang P5,192,531 mula sa  naapektuhang 128 ektaryang palayan.

vuukle comment

OFEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with