^

Probinsiya

Kawani ng munisipyo itinumba

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  — Bulagta sa harap ng kanyang bahay ang isang 60-anyos na kawani ng munisipyo matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang dalawang gunmen sa Brgy. Mahayahay, Placeer, Masbate ka­makalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot makaraang mapuruhan ng punglo sa katawan ang biktimang si Renato Lequigan Sr. na casual employee ng LGU-Placer.

Sa ulat, dakong alas-4:45 ng hapon habang nakatayo sa harap ng kanyang bahay ang biktima nang biglang sumulpot ang dalawang suspek.

Sa hindi malamang dahilan ay biglang bumunot ng baril ang dalawa at walang kaabug-abog na pinagbabaril ang biktima na agarang namatay saka nagsitakas patu­ngong  Brgy. Locso-an.

Nakuha ng mga rumes­pondeng pulis sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng Kalibre 45 at apat na basyo ng Kalibre 9mm na baril.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with