^

Probinsiya

2 amasona sumuko

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
2 amasona sumuko
Kinilala ang dalawang amasona sa mga alyas na sina Ka Grace at Ka Lita, kapwa katutubong Agta at parehong miyembro ng Komiteng Rehyon-Cagayan Valley (KR-CV) ng New People’s Army (NPA) na kumikilos sa kabundukan ng Sierra Madre.
STAR/ File

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines  — Dalawang amasona na kapwa katutubo ang nagbalik-loob sa pamahalaan matapos sumuko sa mga otoridad sa bayan ng San Mariano sa lalawigang ito.

Kinilala ang dalawang amasona sa mga alyas na sina Ka Grace at Ka Lita, kapwa katutubong Agta at parehong miyembro ng Komiteng Rehyon-Cagayan Valley (KR-CV) ng New People’s Army (NPA) na kumikilos sa kabundukan ng Sierra Madre.

Sa inisyal na impormasyon na ipinalabas ng 5th Infantry Division (5ID) na nakabase sa Gamu, Isabela, napag-alaman na ang dalawang mga amasona ay kusang sumuko sa mga tauhan ng 95th Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa bayan ng San Mariano at mga operatiba ng PNP sa nasabing bayan.

Napag-alaman na si Ka  Grace ay nagdesisyon na magbalik-loob sa pamahalaan matapos unang sumuko sa mga militar ang kanyang asawa at dalawa niyang mga kapatid.

Napatay din sa sagupaan sa pagitan ng mga rebeldeng NPA at militar ang isa pa nitong kapatid noong 2019 sa bayan ng San Guillermo sa lalawigang ito.

Habang si Ka Lita naman ay nagpasya rin na sumuko matapos una din na sumuko sa mga militar ang kanyang asawa na dati ring NPA.

Si Ka Lita ay nahikayat na umanib noong 2015 kung saan nagsilbi ito bilang S4 o squad supply officer sa loob ng kilusan.

Itinuro ng mga ito ang dalawang matataas na kalibre ng baril na pag-aari ng kanilang mga kasamahan  na itinago sa kagubatan.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with