^

Probinsiya

Binata na nakipag-inuman sa piyesta, natagpuang patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  — Patay na nang ma­tagpuan ang isang 32-anyos na binata habang pinaghahanap ang nawawalang nakatatandang kapatid matapos na nakitang nakabulagta sa tabi ng ilog ng Sitio Palanas, Brgy. 55 Estansa sa Legazpi City, Albay, kamakalawa ng gabi.

Tinangka pang isugod ng mga residente sa ospital, pero idineklarang patay ang biktimang si Ernie Buno Bravo habang hanggang sa isinusulat ang balita ay hindi pa natatagpuan ang utol niyang si Romeo, 43, may-asawa at pawang residente ng Sitio Maticol.

Sa ulat,nakipista at nakipag-inuman ang magkapatid sa Sitio Palanas hanggang parehong lasing na umuwi. Gayunman, dakong alas-11:35 ng gabi ay natagpuan ng ilang residente si Ernie na walang malay habang nasa tabi ito ng ilog kaya isinugod nila sa Ago Foundation Hospital pero idineklarang dead-on-arrival.

Patuloy na sinusuyod ng mga residente at kamag-anak ang kahabaan ng ilog at iba pang lugar sa paghahanap naman kay Romeo.

Inaalam pa kung nalunod o ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with