^

Probinsiya

5 ‘tulak’ timbog sa P2.2 milyong shabu

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kalaboso ang limang notoryusong tulak ng droga habang aabot sa P2.2 milyong halaga ng shabu ang nakuha sa kanila sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Camarines Norte at Albay.

Unang naaresto ng Camarines Norte Police Provincial Office at Jose Panganiban Police dakong alas-9:30 ng umaga sa Brgy. Sta. Rosa, bayan ng Jose Panganiban ang mga suspek na sina Randy Leona, 23-anyos at Mark Anthony Quijan, 32, ng nasabing barangay.

Ayon kay Col. Marlon Tejada, provincial director­ ng Camarines Norte Police, nakuha sa mga suspek­ ang isang malaking bungkos ng plastic bag ng shabu na nasa 280 gramo at nagkakahalaga ng P1,904,000.

Dakong alas-3:50 naman ng hapon, kumagat sa buy-bust ng PDEA Regional Special Enforcement Team sa pangunguna ni Intelligence Officer ll Eric Firaza ang tatlo pang suspek sa Purok-3, Barriada, Brgy. Gogon, Legazpi City.

Kinilala ni PDEA regional director Atty. Gil Pabi­lona ang mga suspek na sina Laurice Joyce Luna Lorbes, 32; Sandy Baria, 36, at Edmundo Garcia Rayala, 33. Nasamsam sa kanila ang 50 gramong shabu na may P340,000 ang halaga.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with