^

Probinsiya

Babaerong mister kinatay ni misis!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Babaerong mister kinatay ni misis!
Tinangka pang isugod sa pagamutan ng mga kapitbahay pero hindi na umabot nang buhay ang biktimang si Fidel Galicia Idanan, 50-anyos, habang agad na naaresto ang misis niyang si Cherlly, 48-an­yos; pawang residente ng nasabing barangay.
STAR/ File

Parehong umuwing lasing galing laklakan

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Dahil sa uma­no’y pagiging babaero, isang mister ang nasawi sa kamay mismo ng sariling misis matapos siyang saksakin sa dibdib sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo nang umuwing parehong lasing galing sa laklakan sa Brgy. Cabihian, Virac, Catanduanes kamakalawa ng gabi.

Tinangka pang isugod sa pagamutan ng mga kapitbahay pero hindi na umabot nang buhay ang biktimang si Fidel Galicia Idanan, 50-anyos, habang agad na naaresto ang misis niyang si Cherlly, 48-an­yos; pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-8:20 ng gabi, kapwa umuwing lasing sa ka­nilang bahay ang mag-asawa galing sa pakikipag-inuman sa isang okasyon sa Brgy. Palta Big. Gayunman, habang nag-uusap ang dalawa ay biglang naungkat ng ginang ang umano’y pam­babae ng mister dahilan para magkaroon sila ng mainit na pagtatalo.

Bunsod sa kala­singan­ at matinding selos, tila nawala sa katinuan ang ginang hanggang sa kumuha ng kutsilyo at agad na itinarak nito sa kaliwang dibdib ng asawa.

Nang makitang duguan ang mister, agad na tumakas ang misis habang nakahingi pa ng saklolo ang una sa kanilang kapitbahay­ pero idineklara na siyang­ dead-on-arrival sa Ca­tanduanes Doctors Hos­pital.

Agad rumesponde ang mga pulis at na­aresto ang misis na nahaharap sa kasong parricide.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with