^

Probinsiya

DA Region 2 isinailalim sa lockdown

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Isinailalim sa lockdown ang pangrehiyonal na tanggapan ng Department of Agriculture (DA) gayundin ang mga research at experimental stations nito sa Cagayan Valley matapos magpositibo ang tatlo nitong kawani sa COVID-19 kahapon.

Ayon kay DA Regional Executive Director Narciso Edillo, ang lockdown ay tatagal hanggang Biyernes habang ginagawa ang disinfection sa kanilang mga gusali, pasilidad at sasakyan gayundin ang pagsasagawa ng malawakang contact tracing.

Nabatid na nahawa ang dalawang research personnel sa isa pang kawani na nakasama nila sa isang lakad sa Aparri, Cagayan nitong huling linggo ng Setyembre. Hindi pa natukoy kung saan nakuha ng carrier na kawani ang virus.

Isinailalim sa swab test ang dalawang research personnel noong Oktubre 6 na kalaunan ay nagpositibo sa virus pero pawang asymptomatic at nasa isolation facility na ng DA sa Iguig, Caga­yan. Ang carrier namang kawani ay naka-confine naman sa Cagayan Valley Medical Center matapos makaranas ng sintomas.

vuukle comment

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with