^

Probinsiya

‘Di nagtira ng ulam, kuya inutas sa gulpi

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Napatay ng sariling kapatid ang isang 43-anyos na mister na umano’y hindi nagtira ng ulam para sa una sa Brgy. Sta. Filomena, Bacarra, Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Redentor Guillermo, 43, habang ang kapatid nitong si Lou Guillermo, 27-anyos ay sumuko sa awtoridad.

Sa report, umuwing lasing ang nakababatang suspek at nadatnang lumalaklak ang kanyang kuya dakong alas-10:00 ng gabi.

Sumiklab ang pagtatalo ng dalawa nang walang nadatnang pagkain ang suspek sa bahay at pinagbintangang inubos ng kuya nito sa pamumulutan ang hapunan.

Nabatid na matapos magulpi ay hindi na dinatnan ng ulirat ang biktima magdamag hanggang sa madiskubreng patay ito sa kanyang silid dakong alas-5:00 ng umaga.

vuukle comment

GULPI

KAPATID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with