^

Probinsiya

Parak tumanggap ng ‘Medalya ng Sugatang Magiting’ kay Gen. Danao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binisita at pinarangalan ni Police Regional Office (PRO)-4A Regio­nal Director P/Brig. Gen. Vicente Danao, Jr. si P/Executive Master Sergeant Gregorio Cuevas ng Amadeo Municipal Police Station habang naka-confine sa ospital matapos magtamo ng tama ng bala mula sa pagkakabaril sa kanya ng isang lalaking nag-amok at nagpaputok sa Brgy. Pangil Amadeo noong Oktubre 5 ng gabi.

Ginawaran ni RD Danao si P/EMS Cuevas ng “Medalya ng Sugatang Magiting” bilang tanda ng kanyang tapang at dedikasyon sa kanyang sinumpaang tungkulin. Nagpaabot din siya ng tulong pinansyal sa pamilya ng nasabing magiting na pulis.

Nagpaabot naman si Danao ng kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga pulis ng PRO-4A sa patuloy na pagseserbisyo sa bayan sa kabila ng pandemya na kinakaharap sa kasalukuyang dulot ng COVID-19.

vuukle comment

PRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with