^

Probinsiya

43,000 manok tigok sa heat stroke!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
43,000 manok tigok sa heat stroke!
Nabatid na alas-11 ng tanghali ng Martes nang mawalan ng kuryente na tumagal ng mahigit isang oras na hindi napagana ang naka-install na gene­rator kaya isa-isang nasawi ang mga manok dahil sa sobrang init. Lumalabas na airconditioned ang nasabing poultry.
STAR/File

MANILA, Philippines — Aabot sa 43,000 manok ang namatay dahil sa heat stroke sa isang poultry farm sa Brgy. Maravilla, Nagcarlan, Laguna matapos na aksi­denteng mawalan ng kuryente noong Martes.

Nabatid na alas-11 ng tanghali ng Martes nang mawalan ng kuryente na tumagal ng mahigit isang oras na hindi napagana ang naka-install na gene­rator kaya isa-isang nasawi ang mga manok dahil sa sobrang init. Lumalabas na airconditioned ang nasabing poultry.

Napag-alamang P6 milyon ang nalugi sa may-ari dahil sa nangyaring pagkamatay ng mga ala­gang manok.

Ayon kay Maravilla Bgy. Chairwoman Minda Ido, para mapakinabangan pa ang mga manok ay napagdesisyunan ng may-ari na ipamigay ang mga ito sa mga residente.

Siniguro naman ng barangay na hindi peste o anumang sakit ang ikinamatay ng mga manok.

Sinabi naman ni Nagcarlan Municipal Agriculturist Abeth Lucas na ligtas kainin ang mga manok dahil hindi ito namatay ng anumang sakit.

vuukle comment

HEAT STROKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with