^

Probinsiya

Kawani ng PSA, itinumba

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Pinabulagta ng pinaniniwalaang bayarang berdugo ang isang miyembro ng LGBT na kawani ng Philippine Statistics Authority (PSA) habang nagsasara sa kanyang meat shop sa Brgy. Pagdaraoan, San Fernando City, La Union, kamakalawa.

Kinilala ni Police Lt. Colonel Orly Pagaduan, hepe ng San Fernando City Police ang nasawing si Gilyore Gurion, 22, residente ng Barangay Lingsat sa naturang lungsod.

Ayon sa report,alas-8:30 ng gabi ay inililipit na ng biktima ang mga paninda nitong barbecue sa labas ng kanyang puwesto nang lapitan ng isang suspek at barilin.

Nang masigurong napatay ang biktima ay tumakas ang gunman sakay ng isang sasakyan na hindi naplakahan ng mga kasama ng biktima. - Raymund Catindig

vuukle comment

PSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with