^

Probinsiya

2 college students tiklo sa marijuana

Doris Franche, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 college students tiklo sa marijuana
Kinilala ang mga suspek na sina Vincent Ca-ringal, 21, binata ng Brgy. Malabanban Norte at John Lloyd Cueto, 21, binata ng Brgy. Mason Sur; pawang sa Candelaria.
Miguel de Guzman, file

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Magkasama hanggang sa kulungan ang magkaibigang kapwa college student makaraang malambat sa anti-drug operation ng mga operatiba ng Provincial at Municipal Drug Enforcement Unit sa Brgy. Mason Sur ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Vincent Ca-ringal, 21, binata ng Brgy. Malabanban Norte at John Lloyd Cueto, 21, binata ng Brgy. Mason Sur; pawang sa Candelaria.

Sa ulat, alas-10:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba na pinamumunuan ni P/Capt. Reynaldo Dalumpienes ang buy-bust operation laban sa dalawa. Nagpanggap na buyer ng marijuana ang isang pulis at bumili sa mga suspek sa halagang P9,000. Nang magpositibo ang operasyon, agad na dinakma ang dalawang estudyanteng tulak.

Aabot sa mahigit sa P50,000.00 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nakum-piska buhat sa mga suspek bukod pa sa isang pirasong P1,000 marked money, walong pirasong P1,000 na boodle money at isang motorsiklo.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with