^

Probinsiya

Amok sa barracks ng PMA: 3 na patay!

Doris Franche, Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Tatlo na ang patay sa naganap na pamamaril sa isang barracks sa loob ng Philippine Military Academy (PMA) matapos malagutan ng hininga sa ospital ang sundalong nag-amok noong Martes.

Sa ulat, dakong alas-2:24 ng hapon noong Huwebes nang maiulat na binawian ng buhay sa Baguio City General Hospital ang nag-amok na si Airman Second Class Christopher Lim.

Nilinaw ni PMA Spokesperson Maj. Cherryl Tindog na nagbaril sa sarili si Lim matapos ang walang habas na pamamaril kina Army Staff Sergeant Vivencio Raton at Staff Sergeant Jeofrey Turqueza ng Philippine Air Force (PAF). Nang Makita umanong duguan ang dalawang kasama ay dito na nagbaril sa kanyang panga si Lim.

Dead-on-the-spot si Turqueza habang isinugod sa PMA Hospital sina Raton at Lim saka inilipat sa BCGH.

Alas-5 ng umaga ng Huwebes nang maiulat na namatay si Raton habang alas-2:24 ng hapon naman si Lim.

Sinabi ni Tindog na Setyembre 29 nang magtungo si Lim sa barracks at nagkaroon ng pagtatalo kina Raton at Turqueza. Umalis  at nang bumalik ay may dala nang M16 rifle na kanyang ginamit sa pamamaril.

Dahil dito, sinabi ni Tindog na titiyakin nilang hindi na muling mangyayari ang insidente at itinuturing na isolated case lamang ito sa loob ng PMA.

vuukle comment

PMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with