^

Probinsiya

Nagmasaker ng 3 magkakaanak natagpuang nakabigti sa kubo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay na nang matagpuan habang nakabigti sa loob ng isang kubo sa gitna ng bukid ang isang 30-anyos na mister na suspek sa pagmasaker sa tatlong magkakamag-anak kabilang ang dalawang paslit sa Brgy. Nasandig sa Batuan, Masbate kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Gaspar Cantuba Doctor, may-asawa at residente ng nasabing barangay na nadatnan ng mga awtoridad na nakabitin sa loob ng kubo, gamit ang lubid na nakatali sa kanyang leeg.

Sa ulat, dakong alas-6:47 ng umaga, nagulat ang isang residente nang makitang patay na at nakabigti ang suspek sa loob ng pahingahang kubo sa masukal na lugar na posibleng kanyang pinagtaguan ng ilang araw.

Nauna rito, tumakas at nagtago si Doctor makaraang pasukin nito sa loob ng bahay at pagtatagain sa ulo at katawan ang natutulog na mga biktimang sina Luz Ramos Escote, 6-anyos, Rica Marasigan Lumunsod, 7-anyos at tiyuhing si Hermie Gerela Sumagaysay, 30-anyos sa nasabing barangay noong Biyernes ng madaling-araw..

Hinihinala ng pulisya na hindi kinaya ng kanyang konsensya sanhi upang magpakamatay ang suspek na una nang sinampahan ng Batuan Police ng kasong multiple murder kamakalawa.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with