^

Probinsiya

Road rage: Rider bulagta sa contractor

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Road rage: Rider bulagta sa contractor
Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang biktimang si Anthony Ryan Bartolome, 38-anyos, isang sales staff at residente ng B7 L7 Gemelina St., Addas 4B Mambog 3, Bacoor City bunga ng tama ng bala sa katawan.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang binatang rider matapos malapitang barilin ng isang contractor na nabundol nito habang naglalakad kamakalawa ng gabi sa Gemelina St., Brgy. Mambog 3, Bacoor City.

Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang biktimang si Anthony Ryan Bartolome, 38-anyos, isang sales staff at residente ng  B7 L7 Gemelina St., Addas 4B Mambog 3, Bacoor City bunga ng tama ng bala sa katawan.

Agad namang naaresto ng mga opisyal ng barangay ang suspek na si Robert Domingo Gonzaga Espanto, 53, may asawa at residente ng B5 L2, Mahogany St., Addas 4B Village, Mambog 3, Bacoor City.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Alih Rimbang, dakong alas-7 ng gabi habang binabagtas ng biktima ang nasabing lugar lulan ng kanyang motorsiklo nang aksidente nitong masagi ang suspek na naglalakad patawid sana sa kabilang lane ng kalsada.

Nagalit ang suspek at kinompronta ang biktima na agad namang nagpaliwanag pero lalong nag-init at hindi nagustuhan ito ng suspek hanggang sa bumunot ng baril at harapang pinaputukan ang una.

vuukle comment

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with