^

Probinsiya

Sorbetero nalugi sa negosyo dahil sa COVID-19, nag-suicide

Raymond Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines —  Dahil sa pagkalugi sa maliit na negosyo dulot ng matinding pandemya sa COVID-19, isang 63-anyos na sorbetero ang nagpasyang mag-suicide sa pamamagitan ng pag-inom ng pesticide sa Mangaldan, Pangasinan kamakalawa.

Ang biktima na kinilalang si Roger Binson, residente ng Brgy. Gigilonen, Mangaldan na ang pagtitinda ng sorbetes ang ikinabubuhay ay natagpuang patay sa loob ng kanyang kuwarto ng mga kaanak.

Nabatid na tahimik at laging nakatingin sa malayo ang lolo ilang araw bago magpasyang magpakamatay.

Ayon sa kanyang mga kaibigan, dinamdam ng matanda ang paghina ng kanyang kabuhayan dahil marami nang takot bumili ng paninda nitong ice cream bunsod ng pag­laganap ng COVID-19.

Natagpuan ang cellphone ng biktima na nagsasaad ng mensaheng paghingi nito ng kapatawaran sa kanyang pagpapakamatay. 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with