^

Probinsiya

61-anyos lola pinasok, kinatay ng dayo

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
61-anyos lola pinasok, kinatay ng dayo
Ayon sa pulisya, nanonood ng telebisyon ang biktimang si Leodi­vina Disierto, may-asawa, bandang alas-7:30 ng gabi nang biglang puma­sok sa bahay nito ang sus­pek na si Danny Blanco, residente ng Brgy. Maasin, Talugtug, NE.
STAR/File

LUPAO, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang 61-anyos na lola makaraang pagtatagain ng isang dayong lalaki na bigla na lamang umanong pumasok sa bahay ng matanda sa Brgy. Sto. Domingo ng bayang ito noong Huwebes ng gabi.

Ayon sa pulisya, nanonood ng telebisyon ang biktimang si Leodi­vina Disierto, may-asawa, bandang alas-7:30 ng gabi nang biglang puma­sok sa bahay nito ang sus­pek na si Danny Blanco, residente ng Brgy. Maasin, Talugtug, NE.

Nabatid sa mga kaanak ng biktima na nagulat na lamang sila nang biglang pumasok ang suspek na may dalang itak na panabas at walang sabi-sabing pinagtataga ang lola na nagre-relax at nanonood ng balita sa TV.

Matapos ang isinagawang krimen, lumabas ng bahay ang suspek at naglakad lang paalis sa crime scene.

Sinubukan namang isugod ang biktima sa San Jose City General Hospital pero dito siya nalagutan ng hininga habang pinaghahanap na ng pulisya ang suspek. 

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with