^

Probinsiya

3 magkakaanak minasaker ng naburyong na mister

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng tatlong magkakamag-anak kabilang ang dalawang bata matapos silang pasukin sa kanilang bahay at pagtatagain habang natutulog ng isang naburyong na kaibigan at kainuman ng nanay ng isa sa mga biktima sa Brgy. Nasandig, Batuan, Masbate kahapon ng madaling araw.

Patay agad dahil sa malalalim na taga sa kanilang ulo at katawan ang mga biktimang sina Luz Escote Ramos, 6-anyos, Rica Marasigan Lumunsod, 8-anyos at kaanak na si Hermie Gerela Sumagaysay, 30-anyos, pa­wang residente sa nasabing barangay.

Tinutugis naman ng awtoridad ang tumakas na suspek na si Gaspar Cantuba Doctor, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, pasado alas-12 ng madaling araw habang natutulog ang mga biktima sa iisang bahay nang pasukin sila ni Doctor na armado ng itak at isa-isang pinagtataga ang tatlong natutulog na biktima.

Sa imbestigasyon ni Cpl. Andrelo Panes, bago ang insidente ay nag-inuman ang suspek na si Doctor at ang nanay ni Ramos na si Shanani. Gayunman, nagtalo ang dalawa nang pagbintangan ni Shanani si Doctor na kumuha sa kanyang pitaka dahilan para umalis ang suspek.

Inakala naman ni Shanani na tuluyan nang umuwi si Doctor kaya umalis na ang una at nagpunta muna sa bahay ng isa pang kamag-anak. Lingid sa kaalaman ni Shahani ay bumalik si Doctor sa kanilang inuman at nang hindi siya nakita ay dumiretso sa bahay ng una kung saan natutulog ang kanyang anak at dalawang kaanak.

Pumasok agad ang suspek sa bahay ng mga biktima at nang hindi makita ang hinahanap na ginang ay biglang pinagta­taga­ ang natutulog na dalawang bata at si Sumagaysay hanggang sa mamatay saka tumakas ang tila naburyong na suspek.

vuukle comment

MASAKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with