^

Probinsiya

Bahay ng mediaman sa Bulacan ni-raid

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Sinalakay ng Bulacan Provincial Intelligence Unit ang bahay ng isang mamamahayag sa lalawigan nitong Miyerkules ng hatinggabi sa Brgy. Mojon ng siyudad na ito.

Ang pakay ng raiding team ay ang anak umano ng beteranong journalist na si Orlan Mauricio na si Oliver Paul.

Bitbit ng nasabing raiding team ang isang search warrant na inisyu ni Hon. Presiding Judge Nemesio Manlangit ng Municipal Trial Court Branch 2 ng siyudad ng Malolos para sa illegal possession of firearms o ang paglabag sa Section 28 ng RA 10591.

Tanging dalawang gunting; isang lighter; isang small burner; isang gamit ng aluminum foil na may palatandaang ginamit sa paghitit ng shabu; limang pirasong nilamukot na aluminum foil na nasa loob ng kettle box at isang jumbo roll ng aluminum foil ang narekober ng mga otoridad sa raid.

Ayon kay Mauricio, “planted” ang mga nakuhang ebidensya ng mga otoridad sa pagsalakay sa kanyang bahay.

Naghain na si Mauricio ng criminal complaints sa National Bureau of Investigation-Central Luzon Regional Office laban sa raiding team dahil sa hindi naging makatao ang ginawang pagsalakay sa kanyang bahay. Malinaw aniya na “harassment” ang ginawang raid dahil nasa 20 na pulis na hindi unipormado ang lumusob sa kanila at tinutukan siya at kanyang asawa ng baril. 

“The serving of the Search Warrant (No. 03-2020) for illegal firearms was not only patently defective, for bearing two address, but was illegally implemented by the more than 20 heavily-armed cops who sneaked and forced their way into our property. Masyadong over-kill.

After finding no firearms, the raiding teams, who kept me, my wife, apo and maid, incomunicado for almost two hours in our dining area, ‘planted’ drug paraphernalias in a table at my printing press,” ayon kay Mauricio sa kanyang post sa Facebook.

Kinondena naman ng National Press Club (NPC) ang ginawang pagsalakay ng mga pulis-Bulacan sa bahay ni Mauricio at sinabing malinaw na ito ay panggigipit.

vuukle comment

RAID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with