^

Probinsiya

3 sasakyan inararo ng van: 1 dedo, 4 sugatan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
3 sasakyan inararo ng van: 1 dedo, 4 sugatan
Nasawi habang nila­lapatan ng lunas sa os­pital ang biktimang si Aiza Dela Peña, nasa was­tong edad at resi­­dente ng Palanan, Isabela­.
Edd Gumban, file

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isang babae ang patay habang apat ang sugatan matapos araruhin ng kanilang si­nasakyang van ang tatlong nakaparadang sasakyan na pag-aari ng mga negosyante sa Cauayan City ng lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Nasawi habang nila­lapatan ng lunas sa os­pital ang biktimang si Aiza Dela Peña, nasa was­tong edad at resi­­dente ng Palanan, Isabela­.

Inoobserbahan naman sa pagamutan ang mga nasugatan na sina Maribel Donato, 33, isang negosyante; Bryan Chavez, 22, kapwa ng Brgy. Bisag, Palanan; John Rouie Chavez, 18, ng Centro West, Palanan at Elmer Usbal, tubong Dica­duan, Palanan at pansamantalang nakatira sa Woodcrest Subdivision, Brgy. Tagaran, Caua­yan City.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, sakay sa Hyundai Starex van (ZNJ-130) na minama­neho ni Usbal ang mga biktima nang bigla nilang araruhin ang isang Nissan Navarra (F2R797) na pag-aari ni Jeffrey Uy Tan, 40; Nissan Navarra (ABX 4243) na pag-aari ni Marvin Isidro, 47, at isang puting Mitsubishi L300 (DDM1444) na pag-aari naman ni Salvador Ordonez ng Cabaruan, Cauayan City, Isabela, dakong alas-9:00 ng gabi.

Dahil sa matinding pagkakasalpok, nagtamo ng malaking pinsala ang van at mga sakay nito na ikinasawi ng nasabing pasahero.

Lumabas na naka­inom ang driver ng van na mahaharap sa patung-patong na kaso.

vuukle comment

VAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with