^

Probinsiya

Tomboy arestado sa P1 milyong shabu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Tomboy arestado sa P1 milyong shabu
Kinilala ni P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police dito ang nadakip na si Alyssa Cruz, alyas “Alex”, 25, at ka­bilang sa talaan ng “Newly Identified Drug Personality”.
STAR/File

LUCENA CITY, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng isa umanong lesbian matapos ma­kumpiskahan ng hinihinalang shabu na nag­kakahalaga ng mahigit sa isang milyong piso sa anti-drug operation­ na isinagawa ng joint operatives ng City at Provincial Drug Enforce­ment Unit sa Purok Trade, Brgy. Ibabang Iyam, dito kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police dito ang nadakip na si Alyssa Cruz, alyas “Alex”, 25, at ka­bilang sa talaan ng “Newly Identified Drug Personality”.

Ayon sa ulat, bandang alas-6:40 ng umaga nang isagawa ng mga awtoridad ang buy-bust operation laban sa suspek.

Aabot sa 16 plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang­ ng 51 gramo at nag­ka­kahalaga ng P1,040,400 ang nakumpiska sa suspek bukod pa sa P500 marked money at mga drug paraphernalia.

Mariin namang iti­nanggi ng suspek na nagtutulak siya ng ipinagbabawal na droga na nagmula pa sa Mun­tinlupa City.

Ibinabagsak lamang umano sa kanya ng hindi pinangalanang cou­rier ang droga saka niya iniaabot sa kaibigan at binibigyan lamang siya ng porsyento.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with