^

Probinsiya

Kapitana, tresurero ng barangay patay sa ambush

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Kapitana, tresurero ng barangay patay sa ambush
Dead-on-the-spot makaraang mapuru­han ng punglo sa katawan ang mga biktima na kinilalang si Kapitana Luzviminda Dayan­dante at tresure­rong si Albert Orlina, kapwa residente ng Brgy. Bat­bat ng nasabing bayan.
STAR/ File

Legazpi CITY, Albay , Philippines — Parehong bulagta ang isang chairwoman at treasurer ng barangay matapos harangin at pagbabarilin ng mga armadong suspek habang pauwi lulan ng motorsiklo sa bulubunduking lugar ng Sitio Gumian, Brgy. Sinungtan sa bayan ng Guinobatan, dito sa lalawigan kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot makaraang mapuru­han ng punglo sa katawan ang mga biktima na kinilalang si Kapitana Luzviminda Dayan­dante at tresure­rong si Albert Orlina, kapwa residente ng Brgy. Bat­bat ng nasabing bayan.

Sa ulat, dakong alas-3:50 ng hapon habang magkaangkas na binabagtas pauwi ng mga biktima lulan ng motorsiklo ang kahabaan ng kalsada sa nasabing lugar nang paulanan sila ng bala ng mga ‘di kilalang sa­larin.

Narinig ng mga re­sidente ang magkakasunod na putok ng baril. Nang kanilang tingnan ang pinanggalingan ng mga putok ay nakitang duguan at parehong patay na ang mga biktima.

Hindi agad naka­akyat ang mga mag-iimbestigang pulis sa pinangyarihan ng krimen bunsod ng pagi­ging kritikal ng lugar dahil ito umano’y pinamumugaran ng mga rebeldeng New Peoples Army.

Kinumpirma ni Ma­yor Gemma Ann Onjoco na galing ng munisipyo ang mga biktima at pauwi na lulan ng motorsiklo nang mangyari ang pamamaril.

vuukle comment

BARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with