^

Probinsiya

Rider nalaslas ang leeg sa tali ng saranggola

Raymond Catindig - Pilipino Star Ngayon
Rider nalaslas ang leeg sa tali ng saranggola
Ayon sa angkas na si Reynante Pugal, nabigla­ na lamang siya nang biglang natumba ang kani­lang motorsiklo at makitang pumupusitsit na ang dugo mula sa leeg ng kasamang si Paiste dakong alas-4:30 ng hapon.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Isang 36-anyos na rider ang patay at halos humiwalay ang kanyang ulo matapos tamaan ang kanyang leeg ng nylon string ng lumilipad na saranggola, habang nagpapatakbo ng motorsiklo ang bik­t­ima sa Brgy. Cabalengegan, Vigan City, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Benedict Paiste, isang electrician.

Ayon sa angkas na si Reynante Pugal, nabigla­ na lamang siya nang biglang natumba ang kani­lang motorsiklo at makitang pumupusitsit na ang dugo mula sa leeg ng kasamang si Paiste dakong alas-4:30 ng hapon.

Sinikap isugod ng mga sumaklolo si Paiste sa Gabriela Silang General Hospital subalit idi­neklara na siyang patay.

Pinag-aaralan pa ng mga awtoridad ang maaaring pananagutan ng may-ari ng saranggola na isang menor-de-edad.

vuukle comment

ANGKAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with