21 barangay sa Baguio ni-lockdown
MANILA, Philippines — Nasa 21 pang barangay sa Baguio City ang naka-lockdown bunsod ng patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.
Sa abiso ng Public Information Office ng lokal na pamahalaan ng Baguio City, kailangang ipatupad ang lockdown sa 21 barangay upang upang maiwasan umano na mas dumami o tumaas ang kaso ng COVID-19.
Nabatid na kabilang sa may mataas na kaso ng COVID-19 ay ang slaughterhouse area na mayroon nang mahigit 30 kaso.
Kabilang sa mga naka-lockdown ay ang Lourdes Subdivision Extension, Pook 1, Lagoon area; Sto. Niño slaughter, Purok Greenhills at Divisoria B; Lopez Jaena, Purok 3; Dizon Subdivision, Aguila St.; Palma-Urbano, Nacnac St.; City Camp Central, Purok 6 at 7; Hillside Purok 5; San Vicente, Upper San Vicente; South Central Aurora Hill, Purok 2 at 4; Buong barangay ng Ferdinand; Bakakeng Central, Km 3 Marcos High way at Mission Road, Crystal Cave; Camp Allen, Purok 1; Country Club Village, Sector F; New Lucba Private Road, Purok 1; Pacdal, Guevarra St and Summerville Compound; PMA Fort del Pilar, Block 17, 24, 34 at 35; Pinsao Proper, Purok 10; St. Joseph Village, Purok 7; Lower Rock Quarry, Purok 1; MRR Queen of Peace, Purok 3 at Upper Rock Quarry, Purok 2.
Samantala, sinabi ni City Mayor Benjamin Magalong na ang pagtagay ng alak gamit ang iisang baso lamang ang naging sanhi upang magtala ng 43 dagdag na kaso ng COVID-19 sa lungsod. Karamihan aniya sa mga infected ay nanggaling sa Brgy. Ferdinand at Brgy. Sto. Niño ng lungsod.
- Latest